Miyerkules, Agosto 22, 2012


    “ANG GURYON”
                   ni  Ildefonso Santos

Tanggapin mo, anak, itong munting guryon
na yari sa patpat at papel de Hapon;
magandang laruang pula, puti, asul,
na may pangalan mong sa gitna naroon.

Ang hiling ko lamang, bago paliparin
ang guryon mong ito ay pakatimbangin;
ang dulo't paulo'y sukating magaling
nang hindi mag-ikit o kaya'y magkiling.

Saka pag umihip ang hangin , ilabas
at sa papawiri'y bayaang lumipad;
datapwa't ang pisi'y tibayan mo, anak,
at baka lagutin ng hanging malakas.

Ibigin mo't hindi, balang araw ikaw
ay mapapabuyong makipagdagitan;
makipaglaban ka, subali't tandaan
na ang nagwawagi'y ang pusong marangal.

At kung ang guryon mo'y sakaling madaig,
matangay ng iba o kaya'y mapatid;
kung saka-sakaling di na mapabalik,
maawaing kamay nawa ang magkamit!

Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,
dagiti't dumagit, saanman sumuot...
O, paliparin mo't ihalik sa Diyos,
bago pa tuluyang sa lupa'y sumubsob!

REPLEKSYON:
Ang akdang “ ANG GURYON “ay kapag ang guryon ay pinalipad mo na sa himpapawid ay may mga problemang darating kagaya ng sobrang lakas ng hangin at ang mga punong sasabitan  o mga sagabal sa paglipad ng guryon. Itoy ay maihahalintulad ko po sa buhay ng tao dahil kapag nabuhay ka o ipinanganak ka, may mga problema na darating sa buhay mo kaya’t tibayan mo ang loob mo dahil may mga gumagabay sa iyo na tutulong sa iyong problema ang iyong mga magulang at ang panginoon.

“KAHAPON,NGAYON AT BUKAS”
                                                     ni Aurelio Tolentino

MGA TAUHAN

Kalayaan : ama ni Walangtutol.

Inangbayan : ang sumimbolo sa bayang Pilipinas.

Dilat na bulag : ang sumimbolo sa espanya.

Bagong Sibol : ang sumimbolo sa amerika.

Masunurin : ang babaeng pilipina.

Tagailog : bidang tauhan, na kumakatawan sa Pilipinong rebolusyonaryo. (rebeldeng tauhan)

Matanglawin : ang gobyerno ng Espanya.

Malaynatin : ang gobyenor Ng Amerika.

Asalhayop : ang mapaglilong tagalog.

HaringBata : ang haring Intsik.

Walangtutol : ang Pilipinong pasibo, at anak ni Inang Bayan.

Halimaw : ang Kastilang pari.
 

Ang kahapon ngayon at bukas ay nagpapakita di pagsang-ayon ng pagpapalawak ng kapangyrihan na pinamumunuan ng isang bansa sa loob at labas ng kanyang teritoryo at
Naka-pokus ang tagumpay ni InangBayan laban sa mga nangliliit sa kanya. Kasama na dito si Asalhayop na nakipag-sabwatan kay Haringbata upang ipagbigay alam na Sila Tagailog ay maybalak babakahin si Haringbata. Ngunit ng siya ay pawing paalis na ay napigilan siya ni Inangbayan at sinabing dakpin siya dahil ipinagbili ni Asalhayop ang kanilang kalayaan. Sa kanilang narinig ay hinatulan nila si Asalhayop ng kamatayan at nagpatuloy na sumalakay kay Haringbata. Nang sila'y magsilusob ay mutikang mapatay ni haring bata si inag bayan kundi dumating si tagailog at sinaksak siya; nabuwal at namatay si haringbata. Nang namatay si haringbata ay may dumating sina Dilat na bulag at matanglawin na nangnanais na silay iligtas sapgkat mayroong sakuna; di lumaon sila'y na papayag at nag-sumpaan gamit ang kanilang dugo at sabay nila itong ininom.

REPLEKSYON:

Nang mabasa ko ang kahapon,ngayon at bukas ang pumasok sa isip ko ay ang pagsakop at pagaalipin sa atin ng mga mga taga espanyol nang 333 taon at pumunta ang mga gobyerno ng amerika at sinabi nila na tutulungan nila tayo at pagkatapos sinakop rin nila tayo sa huli.
Ang dapat ay kilalanin natin ang ating pagkakatiwalaan  at wag tayo magtitiwala sa iba o hindi pa natin kilala ng lubos.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento