Martes, Hulyo 24, 2012


Mga Elemento ng Tula

  • Sukat - Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong.
  • Saknong - Ang isang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya o taludtod.
  • Tugma - Sinasabing may tugma ang isang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkasing-tunog.
  • Kariktan - Kailangang magtaglay ang isang tula ng maririkit na salita upang masiyahan ang mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan.
  • Talinghaga - Isang sangkap ng tula na may kinalaman sa tinatagong kahulugan ng tula.

Biyernes, Hunyo 15 2012

Sa Aking Mga Kababata

SA AKING MGA KABABATA




KAPAGKA ANG BAYA'Y SADYANG UMIIBIG
SA KANYANG SALITANG KALOOB NG LANGIT,
SANLANG KALAYAAN NASA RING MASAPIT
KATULAD NG IBONG NASA HIMPAPAWID.

PAGKAT ANG SALITA'Y ISANG KAHATULAN
SA BAYAN,SA NAYO'T MGA KAHARIAN,
AT ANG ISANG TAO'Y KATULAD,KABAGAY
NG ALINMANG LIKHA NOONG KALAYAAN.

ANG HINDI MAGMAHAL SA KANYANG SALITA
MAHIGIT SA HAYOP AT MALANSANG ISDA,
KAYA ANG MARAPAT PAGYAMANING KUSA
NA TULAD NG INANG TUNAY NA NAGPALA.

ANG WIKANG TAGALOG,TULAD DIN SA LATIN,
SA INGLES,KASTILA'T SA SALITANG ANGHEL,
SAPAGKAT ANG POONG MAALAM TUMINGIN
ANG SIYANG NAGGAWAD,NAGBIGAY SA ATIN.

ANG SALITA NATI'Y TULAD DIN SA IBA
NA MAY ALPABETO AT SARILING LETRA,
NA KAYA NAWALA'Y DINATNAN NG SIGWA
ANG LUNDAY SA LAWA NOONG DAKONG UNA

Huwebes, Hunyo 07 2012

Anyo ng Panitikan

Ang dalawang anyo ng panitikan ay tuluyan at patula... 
  1. Tuluyan - maluwag na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng pangungusap. Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag.
  2. Patula - pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng salitang binibilang ng pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma at nagpapahayag din ng mga salitang binibilang ang mga pantig at pagtutugma-tugma ng mga dulo ng mga taludtod sa isang saknong.

Miyerkules, Hunyo 06 2012

Ang Panitikan


                        
  Sa pinakapayak na paglalarawan, ang panitikan ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula. Subalit upang maipagkaiba ito mula sa ibang mga walang saysay na babasahin o patalastas lamang, ang mga panitikan ay ang mainam na pagsulat na may anyo, pananaw, at diwang nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana. Samakatuwid, may hugis, may punto de bista at nakapagpapahaba ng interes ng mambabasa ang isang sulating pampanitikan. Ito ang isang dahilan kung bakit pinag-aaralan ang larangan ng literatura sa mga paaralan. Ang IIiad ni Homer, ang isang halimbawa ng mga mabuting likhaing pampanitikang kanluranin, maging ang Aeneid ni Vergil. Nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng iba't ibang uri ng damdaming tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento